HINDI tatalab sa mga tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) at sa hanay ng smugglers sa pantalan ang binuong anti-corruption campaign na tinawag na Presidential Anti-Corruption Coordinating Commission (PACC).
Ito ang naging reaksiyon ng mga port user sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) dahil anila kung baga sa sakit na cancer stage 4 na ito.
Ayon sa impormasyon na nakalap mula sa mga port user, pinangunahan ni PACC Chairman Greco Belgica bilang Chairman at Customs Commissioner Leonardo Guerrero ang naturang komisyon na layong tuldukan ang korupsiyon sa ahensiya.
Napagkasunduan ng BOC-PACC Command Group na pangungunahan ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla kaakibat ang Customs representatives at ilang miyembro sa pagsusulong ng kanilang adhikain.
Sa ilalim ng BOC-PACC Command Group ang tatayong Anti-Corruption Coordinating Committees (ACCC) ay ang mga District Collector bilang ACCC’s Chairperson, Deputy Collectors for Administration Vice-Chairperson, at ang hepe ng Law Division, ESS District Commanders, at CIIS Field Station Chiefs committee members.
Nakasaad din sa guidelines na kakailanganin ng Command Group ang suporta ng ACCCs at koordinasyon ng PACC para sa full implementation ng kanilang Project Kasangga.
Upang matuldukan ang talamak at walang humpay na katiwalian sa ahensiya sa loob ng mahabang dekada.
Ayon sa grupong bumabatikos sa BOC, walang epekto ito sa malaking sindikato sa loob, sapagkat kung gumagamit ang customs ng makabagong teknolohiya, mas high tech ang ginagamit ng sindikato sa corruption.
Sa kasalukuyang ang transaction ng mga tiwaling empleyado ng custom at ismagler ay nangyayari sa mga sikat na restaurant at sa mga five star hotel. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.