PINAWI ng isang eksperto ang agam-agam ng Pinoy na baka mapanganib ang bakunang bibilhin ng Filipinas at sinabing pagkatiwalaan ang Food and Drug Administration (FDA).
“Any approved vaccine against coronavirus disease by the Philippine Food and Drug Administration will be safe among the Filipinos,” ayon kay Dr. Lulu Bravo, executive director of Philippine Foundation for Vaccination.
Paliwanag pa ni Bravo, ang anumang bakuna bago i-administer sa pasyente ay dumaan sa tamang proseso para matiyak na ligtas ito.
Ang mga health expert, katulad niya ay tinitiyak na lahat ng bakuna na kanilang inihahatol sa pasyente ay nakabubuti dahil sila ay manggagamot.
“Actually, any vaccine that will be approved by our FDA, that passes through the right process, we’ve seen the data. And mind you, it’s not only me who will decide if it’s safe and efficacious,” sagot ni Bravo kung nais nito ang Sinovac vaccine sa gitna ng pangamba hinggil sa kaligtasan ng COVID-19 vaccines, lalo na sa iba pang bakuna na gawa ng western pharmaceutical companies.
Ang pahayag ni Bravo ay sinegundahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kapag ibinaba ng FDA ang emergency use authorization ng kahit anong bakuna ay tiyak na ligtas at epektibo ito.
“Once FDA grants the emergency use authorization on a particular brand of vaccine, “that’s safe and effective, ” ayon kay Roque.
Magugunitang sinabi ni Roque na kayang mag-procure ng bansa ng 25 million doses ng Sinovac vaccines kung saan 50,000 doses muna ang ipaparating sa bansa sa susunod na buwan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.