ANTI-CRIMINALITY OPS NG QCPD PINAIGTING

Joselito Esquivel Jr

QUEZON CITY – INATASAN na ni Quezon City Police District (QCPD) Director BGen, Joselito Esquivel Jr., ang kanyang 12 station commander na paigtingin ang kanilang  anti-criminality o­perations  ngayong pumasok na ang ‘Ber’ months.

Paalala ni Esqui­vel, tuwing Ber months ay nagkaroon ng mara­ming oportunidad ang mga negosyante at ang epekto nito ay maraming salapi ang mga tao na sinasamantala naman ng mga masasamang elemento kaya dapat mag-ingat at maging alerto rin.

“Sa tuwing ‘ber’ months kasi, boom ang businesses; maraming pera at gustong ma-enjoy ng marami ang mahabang holiday season; kaya kung minsan sinasamantala ito ng mga masasamang loob. Kung kaya sa ganitong panahon, tayo ay mas nagiging alerto na pa­ngalagaan ang seguridad ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng increased police visibility and presence upang mapigilan ang mga kriminal na isagawa ang kanilang masamang balak,” ayon sa pahayag.

Mula noong Enero hanggang Agosto 2019, ang mga sumusunod na barangay ay may talaan ng index crimes tulad ng robbery, theft, carnapping, physical injury, homicide at murder: Brgy. Socorro, 156 krimen; Brgy. Batasan Hills, 92; Brgys. Bagong Pag-asa at Fairview,  89; Brgy. Commonwealth, 83; Brgy. Payatas, 81; Brgy. South Triangle, 67; Brgy. Greater Lagro, 64; Brgy. E. Rodriguez, 54; at Brgy. Holy Spirit 45.

Ang bawat station commanders na may jurisdiction sa mga nabanggit na baranggay ay kailangan makipag-ugnayan sa mga  barangay official at imapa o idetalye ang kanilang nasasakupan upang mas ma-improve ang security measures sa lugar at upang ma­ging mas mabilis at mas maayos  ito. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.