NANINIWALA si Senate President Chiz Escudero na mas may tsansa ang anti-discrimination bill na maipasa sa Senado kaysa sa panukalang SOGIESC Equality Act.
“Sa pagkakaalam ko may mga panukalang amendment dito sa bill na ito bago ito tuluyang maipasa,” ani Escudero.
“Pero sa kwentuhan din bago pa man ako naging tagapangulo ng Senado, mas malaki ang tsansa na pumasa ang anti-discrimination kumpara sa SOGIESC bill unless nga ang mga amendments ay mapagbibigyan,” dagdag pa niya.
Ipinunto ni Escudero na iba ang SOGIESC bill sa isa pang anti-discrimination measure na itinutulak sa Kongreso.
Ang Senate Bill No. 1600 na kilala rin bilang SOGIESC Equality Bill ay ni-refile ni Senator Risa Hontiveros.
LIZA SORIANO