ANTI-DOPING SA PINAS DAPAT SUPORTAHAN

pick n roll

GAANO kahalaga ang anti-doping program sa isang bansa?

Anumang antas ng kompetisyon, tagumpay ng atleta ang sentro ng atensiyon. Ngunit sa likod ng pagbubunyi, may alalahanin na hindi maikubli, higit sa sandaling walang katiyakan kung naging tama ang desisyon ng atleta, coach at officials sa pag-inom ng bitamina, food supplement o energy drinks na hindi muna sinuyod ang nilalaman sa level. Hindi sinasadya, mayroon palang halong gamot o sangkap na kabilang sa ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Huli na ang lahat. Sa isang kisap-mata, ang lahat ng pinaghirapan at sakripisyo ay mababalewala.

Suspendido na, mababawian pa ng medalya.

Ilang insidente na rin ang kinasangkutan ng atletang Pinoy sa doping, kabilang ang isyu kay basketball star Kiefer Ravena na napatawan ng suspension ng FIBA (International Basketball Federation) matapos sumablay ang kanyang urine test sa isinagawang random drug test sa FIBA tournament.

Hindi sinasadya. ‘Yan ang depensa ni Ravena. Nakainom siya ng energy drink na may sangkap na gamot na mahigpit na ipinagbabawal ng WADA

Kaya matindi at masinsin ang ginagawang programa ni Dr.  Alejandro Pineda, taganpangasiwa ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO), para ma-educate ang mga atleta, coach, opisyal at iba pang stakeholders sa mga pagbabago at kaalaman sa anti-doping code.

Seryoso ang WADA sa pagbabantay sa mga kasaping bansa kung tumatalima ang mga ito sa itinatadhana ng Anti-Doping Code.

No ifs, No buts, ika nga.

‘Pag sumablay alfresco, katumbas ay suspension. Makabago at moderno na ang pamamaraan na gamit sa komunikasyon at higit itong nagbigay ng kahalagahan matapos manalanta ang COVID-19 sa buong mundo.

Edukasyon ang kailangan para maunawaan ng lahat ang isyu sa anti-doping at ikinasa ni Dr. Pineda, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), na maiparating sa lahat at mapaintindi ang programa sa pamamagitan ng webinar.

Walang puwang ang pagiging ignorante, ika nga.

Sa kapabayaan, nasampulan ng WADA kamakailan ang mga bansang North Korea, Thailand at Indonesia.

Pinaratangang ‘non-compliant’ sa Anti-Doping Code ang nasabing mga bansa. Suspension ang ipinataw ng WADA at maging ang mga opisyal nila ay tinanggalan ng posisyon sa anumang committee ng ahensiya.

Hanggang hindi naaalis ang suspension, bawal sa tatlong bansa ang mag-host ng mga regional, continental at world championship. Maliban sa Olympics, hindi maitataas ang bandila ng tatlong bansa sa paglahok ng kanilang mga atleta sa international competition.

Hindi nagbibiro ang WADA at mararanasan ng Pilipinas ang kapalaran kung hindi makikipagtulungan ang pamahalaan at pribadong sektor sa mga ilalatag na programa ng PHI-NADO na nakabatay sa panuntunan ng WADA Anti-Doping Code.

vvv

(Para sa reaksiyon at suhestiyon, ipadala sa zea19ker@yahoo.com)

12 thoughts on “ANTI-DOPING SA PINAS DAPAT SUPORTAHAN”

  1. Hi there! Do you know if they make any plugins
    to assist with Search Engine Optimization? I’m trying to get
    my blog to rank for some targeted keywords but I’m not seeing very good results.
    If you know of any please share. Kudos!

  2. What i do not understood is in truth how you’re now not actually much more neatly-appreciated than you may be now.
    You are very intelligent. You realize thus considerably when it comes
    to this subject, made me personally consider it from numerous varied angles.
    Its like women and men don’t seem to be involved until it’s something to do
    with Woman gaga! Your personal stuffs excellent. All the time handle it
    up!

  3. You actually make it seem so easy with your presentation but I find this matter to be really something which I think I would never
    understand. It seems too complicated and extremely broad for me.
    I’m looking forward for your next post, I’ll try to get the hang of it!

  4. Wow, fantastic blog structure! How lengthy have you ever been running a blog for?

    you made running a blog glance easy. The full glance of your
    website is fantastic, as well as the content material!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *