ANTI-ENDO BILL LALAGDAAN NI DUTERTE

ANTI-ENDO BILL

TIWALA pa rin ang top labor groups na la­lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-endo bill bago ito mag-lapse into law sa pagtatapos ng linggong ito.

“We trust that the President will do what the workers expect on or before July 28,” wika ng Federation of Free Workers (FFW), Partido Manggagawa (PM), at ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa isang joint statement.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang anumang bill na hindi ni­lagdaan o vineto ng Pangulo ay awtomatikong magla-lapse into law, 30 araw makaraan itong ipasa ng Kongreso.

Ayon sa kanila, ang pag­lagda sa bill ay nagtatagal dahil sa ‘scaremongering campaign’ ng mga economic manager, employer, at ng Foreign Chambers na humihikayat sa Pangulo na i-veto ang panukala.

“Huwag makinig sa fo­reign intervention,” panawagan ni TUCP President Raymond Mendoza kay Duterte sa press conference kahapon.

Sinabi ni TUCP Vice President Luis Manuel Corral na tinututulan ng mga employer at Foreign Chambers ang bill dahil hindi na sila makaka­gamit ng dummy employers at magkakaroon ng obligasyon na bigyan ng benepisyo ang kanilang mga manggagawa.

Naniniwala ang labor groups na ang bill ay ‘watered down version’ ng nasa kanilang isipan para sa isang anti-endo bill.

Ani PM chair Rene Magtubo, makatutulong pa rin ito bilang unang hakbang sa pagsisikap na mawakasan ang contractualization.

“Kami ay naniniwala na may positibong bagay itong bill na sana ay pirmahan ng Pangulo,” aniya.

Comments are closed.