ANTI-INSURGENCY FUND NG PNP NAGAMIT NG TAMA

NANINDIGAN ang Philippine Natio­nal Police (PNP) na nagagamit sa tama ang kanilang anti-insurgency funds.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, naaayon sa rules and guidelines ng Commission on Audit (COA) ang kanilang paggastos.
Ginawa ni Vera Cruz ang pahayag makaraang mapuna ang PNP hinggil sa low disbursement ng pondo

para sa anti-insurgency projects kung saan nasa P86.57 milyon lamang ang nagastos mula sa kabuuang pondo na na-release ng Department of Budget and Management noong Oktubre 26 na nagkakahalaga ng P722.85 million.

Giit ng heneral, gagamitin nila ang nasabing pondo para sa kapakanan ng mga kababayan na nasa mga far-flung areas na kila­lang mga NPA infested area.

Siniguro rin ni Vera Cruz na “intact” ang pondo at walang nangyaya­ring irregularidad.

“Walang single centavo na mawawala ito ay gagamitin para ipatupad ang aming role sa NTF ELCAC,” pahayag ni Vera Cruz. EUNICE CELARIO

77 thoughts on “ANTI-INSURGENCY FUND NG PNP NAGAMIT NG TAMA”

  1. 962584 228654It is a shame you dont have a donate button! Id most surely donate to this outstanding internet web site! I suppose within the meantime ill be pleased with bookmarking and putting your Rss feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this weblog with my Facebook group: ) 700035

  2. 172977 793705Wow! This could be 1 specific of the most beneficial blogs Weve ever arrive across on this subject. Basically Superb. Im also an expert in this subject therefore I can realize your effort. 695370

Comments are closed.