ANTI-INSURGENCY OPS NG PRO-5 PASADO KAY ELEAZAR

PINURI ni Philippine National Police (PNP) Chief, Polic Gen. Guillermo Eleazar ang matagumpay na jointanti-insurgency operation ng Regional Police Office 5 at Philippine Army Irosin, Sorsogon na naresulta sa pagkamatay ng ranking officer ng New People’s Army (NPA) at isang tauhan nito.

Ayon sa ulat ng PNP Police Regional Office 5, nagresulta rin ang nasabing focus anti insurgency operation ng pagsuko ng dalawang rebelde kasunod ng naganap na sagupaan s boundaries ng Barangays Patag at Cawayan laban sa may 40 rebels sa lugar.

“I commend the personnel of the PRO5 under Police Brig. Gen. Jonnel Estomo for their successful anti-insurgency operation with the local military forces that led to the neutralization of two NPA armed\fighters of the CPP-NPA-NDF, including a ranking officer with P million reward, and the surrender of two others in Sorsogon,” ayon kay Eleazar.

Kaugnay nito inatasan ni Eleazar ang Bicol PNP na makipag-ugnayan sa pamilya ng dalawang sumukong rebelde at dalawang napatay na NPA para mapagkalooban ng kinakailangang tulong.

“Mahalaga na maipaliwanag na sila ay biktima din ng panlilinlang a mabuksan ang kanilang isip na hindi karahasan ang sagot sa minimithi nating katahimikan at kaunlaran,” ani Eleazar. VERLIN RUIZ

37 thoughts on “ANTI-INSURGENCY OPS NG PRO-5 PASADO KAY ELEAZAR”

Comments are closed.