PINALAWIG ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsuspende sa pagpapatupad ng maximum allowable gross vehicle weight (GVW) para sa mga truck at trailer na mayroong 18 at 22 na gulong hanggang sa katapusan ng taong ito.
Ayon sa impormasyong nakalap ng pahayagang ito, napagkasunduan ng DPWH at DOTR na baguhin ang unang deadline na ibinigay sa mga may-ari ng mga truck upang mabigyan ng panahong makabili ng karagdagang mga kagamitan para makasunod sa latest GVW.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na ang ipinatutupad na suspensiyon ay sakop ang 12-2 and 12-3 na truck at trailers, semi-trailer with 3-axles at motor vehicle and 2 axles at trailer na may 18 gulong at truck semi-trailer na mayroong 3 axles at trailer summing up 22 wheels.
Hiniling ni Villar na sumunod ang mga may-ari ng trucks at trailers sa kasalukuyang maximum allowable GVW sa ilalim ng anti-overloading poli-cy, sapagkat ito ang sumisira sa mga kalsada sa loob at labas ng Metro Manila.
“Inaasahan ng dalawang ahensiyang ito ang full compliance sa nasabing kautusan sa truck operators na mag-upgrade ng kani-kanilang mga unit para masunod ang maximum allowable GVW na 41,500 at 42,000 kilograms bago pumasok ang taong 2019,” ayon pa kay Villar.
Nakasaad sa batas na ang mag-o-overload ay papatawan ng multang 25%. FROI MORALLOS
Comments are closed.