(Anti-piracy, joint search and rescue) US AT PH COAST GUARD NAGSAGAWA NG JOINT MARITIME EXERCISE

NAGWAKAS nitong nakalipas na linggo ang isinagawang joint search and rescue operation exercises at iba pang maritime interoperability drill sa pagitan ng Philippine at US Coast Guard, may 40 miles off Luzon Point sa dagat na saklaw ng Mariveles, Bataan.

Sa pahayag ni US Coast Guard Fleet Commander, CG Rear Admiral Charlie Rances, pakay ng PCG-USCG joint SAR exercise para tugunan ang mga hamon sa maritime safety, palakasin ang information exchange and interoperability at sea.

Ayon kay U.S. Ambassador to the Philippines, Her Excellency MaryKay Loss Carlson, ang nasabing joint exercises ay pagpapakita rin ng connected, open, and secure Indo-Pacific.

Nakapaloob sa nasabing joint exercise ang series of sea-phase demonstrations bilang pagtatapos sa port visit ng USCG Cutter Midgett na dumating sa bansa noong Agosto 30,2022.

Kabilang sa 2-day at-sea drills ay ang mga sumusunod: communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, decoding messages through flag hoisting, flashing exercises, publication exercises, small boat operations, boarding operations, SAR exercises, at medical assistance.

Sumabak sa nasabing pagsasanay ang bagong barko ng PCG ang 83-meter offshore patrol vessel BRP Gabriela Silang (OPV-8301), na sumaklolo sa isang distress call mula sa isang simulated cargo vessel ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).

Bukod sa isinagawang joint maritime exercises, nagsagawa rin ng regular anti-piracy exercise.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, lubhang importante ang pagkakaroon ng kooperasyon sa mga Coast Guard counterparts lalo na sa pagsugpo sa insidente ng piracy sa karagatan.

Pinangunahan din ng PCG LEAD teams sa tulong ng USCG, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), at Japan Coast Guard (JCG) ang isang pagsasanay para matiyak ang proper execution of visit, board, search, and seizure (VBSS) during anti-piracy operations. VERLIN RUIZ