INAMIN ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi mapasusunod ang mga politiko sa anti-political dynasty hanggang walang malinaw na batas ukol dito.
Ayon kay Speaker GMA, kailangan ng batas na magbibigay depinisyon sa political dynasty para makakilos ang pamahalaan at mapasunod ang mga politiko sa probisyon ng konstitusyon laban sa dinastiya ng mga magkakamag-anak sa politika.
Sinabi pa ni Arroyo, na may maganda at masamang dulot ang political dynasty tulad ng ibang political activity.
Dahil dito, aniya ay walang makapagsasabi na ‘totally bad’ o ‘totally good’ ang political dynasty.
Hanggang sa kasalukuyan, walang nakalulusot na panukala sa Kongreso na maglilimita ng bilang ng mga magkakaanak na sabay-sabay na tumatakbo sa eleksiyon kaya bigo rin na bigyan ng enabling law ang probisyon ng saligang batas laban dito. CONDE BATAC
Comments are closed.