MAGDARAOS ng isang Joint Anti-Piracy exercise ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Philippine Coast Guard (PCG) sa Sangley Point, Cavite City sa Linggo, Nobyembre 25.
Nabatid kay Capt. Armand Balilo, Spokesman ng PCG, layunin ng exercise na mapaghandaan ang anumang terrorist at maritime threat sa karagatan ng Southern Asian Waters.
Gaganapin ang joint exercise sa 1 nautical miles ng Hilaga ng Sangley Point, Cavite City dakong alas-10:00 ng umaga.
Gagamitin sa naturang aktibidad ang PLH -08 Echigo, ang may 108 metrong haba ng JCG patrol vessel at ang JA 916A JCG helicopter sa panig ng Japan.
Habang sa panig ng PCG gagamitin naman ang BRP Sultan, Boracay at Panglao at ang Diesel Fast -312.
Inaasahan na magiging mas matibay ang relasyon ng PCG at JCG sa isasagawang Anti-Piracy exercise.
PAUL ROLDAN
Comments are closed.