ANTI-RED TAPE AUTHORITY TINUTUKAN ANG “ECONOMIC AND EASE OF DOING BUSINESS” SA BANSA

ni Riza Zuniga 

MULA  sa temang “From Red Tape to Red Carpet – Charting Progress through Strategic Investment and Boosting Economic Opportunities,” itinaguyod ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang isang briefing tungkol sa “Economic and Ease of Doing Business,” sa Manila Hotel kahapon.

Ang paglulunsad ay para mahikayat ang mga nagnanais magtayo ng negosyo sa Pilipinas mula sa ibang bansa at maging sa lokal na namumuhunan.

Bukod sa balita ni Director General Ernesto Perez, nagpahayag din ang kasalukuyang Kalihim Frederick Go ng Office of the Special Assistant for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) ng mga kasalukuyang programa at inisyatibo sa pagpapaunlad ng ekonomiya na may layong unahin ang pagpapalaganap ng paglulunsad ng pagpapabilis ng transakyon sa negosyo at marating ang kanais-nais na kapaligiran sa negosyo.

Isang istratehiya ng briefing ang palakasin ang inter-agency collaborations para lalong pasiglahin ang paglago ng ekonomiya sa bansa. Ang briefing ay dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa diplomatic corps, national government agencies (NGAs), state universities, government owned and/or controlled corporations (GOCCs), local at foreign chambers of commerce, business groups at non-government organizations.