ANTI-TERROR ACT PINAAAMIYENDAHAN

Senador Panfilo Lacson-3

PINAAAMIYENDAHAN ni Senador Panfilo Lacson ang kasalukuyang Anti-Terrorism Act sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs at ng Committee on National Defense.

Sa naturang pagdinig, pinatatanggal ni Lacson ang isang probisyon sa batas na nagiging dahilan para maimpormahan ang taong sinu-surveillance ng awtoridad.

Tinutukoy ng senador ang pag-freeze sa mga transaksiyon sa bank account ng hinihina­lang terorista na nagiging dahilan para malaman na sumasailalim ito sa surveillance operation.

Iginiit din na dapat na paigtingin ang araw ng court order para sa wiretapping operation na mula sa 30 araw ay gawing 90 araw.

Sa panig naman ni Sotto, mas makabu­buting ang court order na 30 days operation at kung kulang pa ay maari naman na humingi ng ekstensiyon na 30 araw pa sa korte.

Paliwanag ni Sotto na kapag 90 araw ay may limit samantalang kapag 30 araw ay may extension kung saan mas mapapaigting ang surveillance ng awtoridad sa mga hinihinalang terorista.   VICKY CERVALES

Comments are closed.