ANTI-TERROR BILL PIRMADO NA NI DUTERTE

DUTERTE SIGN

PIRMADO  na ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang kontrobersiyal na Anti-Terror Bill  na layong mabigyan ngipin ang kasalukuyang batas pagdating sa pagpapanagot sa mga sangkot sa terorismo.

Ang  Republic Act 11749 o “Anti-Terrorism Act of 2020” na bigyan pa ng ngipin ang 2007 Human Security Act para palakasin ang kampanya laban sa  terorismo, at ang mga inuugnay na aktibidad dito tulad ng kidnapping at bombing operations ng Abu Sayyaf Group.

Hunyo 9 nang isumite ng Kongreso sa  Malakanyang  ang panukalang batas at nirepaso ng Department of Justice (DOJ).

Kahapon lang nang ihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa “final review” na ng legal team ng Pangulo ang kontrobersiyal na panukalang batas, na tinututulan ng marami dahil sa sinasabing mistulang  pagtapak nito sa karapatang pantao.

Ilan dito ay ang pagpapahintulot sa pagkulong sa suspek nang 14 na araw hanggang 24 araw nang walang warrant of arrest at walang pormal na kaso.

Comments are closed.