ANTI-TERROR LAW PUWEDENG BAWIIN KAPAG INABUSO

Sotto

MAAARING bawiin o ipawalang bisa ng Kongreso ang Anti-Terrorism Act of 2020 kapag ginamit ito sa pang- aabuso.

Ito ang iginiit ni Senate President Vicente Sotto II kasabay ng panawagan sa publiko na bigyan muna ng pagkakataon ang ipatupad ang nasabing batas.

Aminado naman si Sotto na ang maling impormasyon at hindi pagtitiwala sa gobyerno ang nagdudulot  ng pagtutol ng karamihan sa nasabing batas na kamakailan ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Sotto, dapat hintayin muna kung nakitang may masamang ginawa  o inabuso ng gobyerno ang nasabing batas  dahil madali lang naman i-repeal at hindi ito nakasaad sa Konstitusyon.

Sinabi pa ni Sotto, isa  sa may akda ng nasabing panukala na nag-amyenda sa Human Security Act of 2007, kung saan isa ang Pilipinas sa nakahabol  sa pagbibigay ng ngipin sa anti-terrorism measure.

Gayundin, nanindigan ang senador na ang mga probisyon sa bagong batas na epektibo na noong Sabado ay constitutional sa kabila ng maraming petisyon na nakahain sa Korte Suprema na nagsasabi na unconstitutional ito.

Gayunpaman, tiwala si Sotto na hindi gagalawin ng Korte Suprema ang anti-terror law. LIZA SORIANO

Comments are closed.