ANTIGEN TEST TARGET NG PNP

Camilo Pancratius Cascolan

PLANO ng Philippine National Police  (PNP) na gumamit ng antigen test para ma-detect ang COVID-19.

Kaya’t inatasan ni PNP Chief Ge­neral Camilo Pancratius Cascolan ang PNP Health Service na pag-aralan ang antigen test bilang alternative sa real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) tests na siyang gold-standard tests.

Ani Cascolan, layon nito na magkaroon ng mas mabilis na resulta sa CO­VID-19 test na posibleng abutin lamang ng 30 minuto hanggang isang oras.

Base sa mga naunang ulat,  mabilis na nasusuri ng bagong teknolohiya ng antigen tests ang fragments ng proteins sa virus na kokolekta sa pamamagitan ng swab.

Gayunpaman, wala pang pinal na guidelines ang Department of Health (DOH) hinggil dito.

Sa ngayon, mayroon 5,206 CO­VID-19 cases sa PNP, kung saan 3,751 ang gumaling at 16 ang nasawi. REA SARMIENTO

Comments are closed.