ANTIQUE NAGPANUKALA NA I-BAN ANG BABOY, KARNE MULA SA MINDANAO

ANTIQUE-KARNE

NAGPANUKALA ang Provincial Veterinary Office (ProVet) ng Antique na i-ban ang pagpasok ng mga baboy, karneng baboy at produkto nito mula sa Mindanao para mapangalagaan ang kanilang African swine fever-free status.

Sinabi ni Dr. Marco Rafael D. Ardamil, na pinuno ng ProVet Public Health Division, na nalaman niya sa kanilang meeting sa Department of Agriculture(DA) ka­makailan na ang Iloilo, Negros Occidental, at probinsiya ng Aklan na nagdeklara nang ban dahil sa nai-report na ASF cases sa Don Marcelino, Davao kamakailan.

“The provinces of Iloilo and Aklan initially declared a ban on the swine, pork, pork products, and its by-products last February 5,” sabi niya sa isang panayam kamakailan. Sumunod naman agad ang Negros Occidental.

Sa Antique, sinabi ni Ardamil na isang bagong Executive Order (EO) ang naghihintay para sa pirma ni Governor Rhodora J. Cadiao.

Kung matatandaan, nag-ban din ang Antique ng pagpasok ng baboy, karneng baboy at produkto nito at iba pang kasamang produkto nito mula Luzon kasunod ng  ASF outbreak sa rehiyon.

“The EO banning live swine, pork, and by-products from Luzon is still in effect until now,” sabi niya.

Sa mga bagong kaso na ito sa Davao, isa pang EO ay nakatakdang pir­mahan ng gobernador para maisalba sa ASF ang industriya ng baboy sa probinsiya.

Tinatayang nasa 73,000 ang populasyon ng baboy sa Antique, na karamihan ay inaalagaan sa likod ng bakuran.                                   PNA

Comments are closed.