ANTON DIVA ‘DI LANG SI REGINE ANG KAYANG GAYAHIN    

Anton Diva

PROMISE ng number one and only accepted impersonator ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na si reflectionAnton Diva na mas makikilala ng publiko ang pagkatao niya at kung gaano kalawak ang range ng boses niya on her first major concert titled “Anton Diva: SHINE XXII AD” na magaganap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City on June 15.

Hindi lang daw ang pagiging impersonator ni Regine ang gagawin niya sa concert. Kundi ipa­mamalas din ni Anton sa concert ang pagiging diva niya.

“At my age, biro mo pagsasabay-sabayin ko ‘yung pinapagawa sa akin ng direktor ko. Maggi-gym ako, magbo-voice lessons ako, magpre-prepare ako sa concert, mag-aaral ako ng new songs, tapos magme-memorize ako ng script. Forty two years old, gagawin mo ng sabay-sabay? Parang, it’s a big task, big challenge for me but I’m willing to accept the challenge,” pahayag ni Anton.

Isa sa major special guests ni Anton sa concert si Regine at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. For the record, wala raw bayad sina Regine at Vice sa concert ni Anton.

“Kaya sobrang flattering talaga and you feel the love ‘di po ba? Kasi alam naman nila na unang-una, si Teri (Onor, producer ng ‘Shine’), alam nila na first time niyang magpo-produce. ‘Yun ang maganda sa ating industriya, e. Big artists are willing to support new performers, new producers. Saka if they believe on the artist na susuportahan nila, hindi na sila magdalawang-isip na tumulong at sumuporta,” lahad niya.

Noong nakaraang concert ni Regine at Vice sa Araneta Coliseum, nagkaroon ng special appearance si Anton. Bigla siyang pinaakyat sa stage ni Vice at nagkaroon sila ng special number.

Sa portion na ‘yun humingi ng tubig si Vice at pagsipsip niya sa tubig, ipinasa naman niya kay Anton ang kanyang iniinom. Sa same straw ay sumipsip din si Anton. Kaya parang nalasahan na rin niya ang labi at laway ni Vice.

After nila uminom ng tubig on stage may sinabi si Vice na may nangyari na raw na ganoon na insidente sa kanila noon. Kaya tinanong namin si Anton kung may nakaraan ba sila ni Vice.

“Wala, wala,” mabilis na tanggi ni Anton. “Hindi kami, wala. Walang nangyari. Kasi nga ‘di ba, hindi ako napatol sa parehas?”

Mariin ang pagtanggi ni Anton na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice. Pero may kinuwento siya na nakaraang karanasan nila ni Vice.

“Ang hindi ko malilimutan dati kasi, ang unang-una ko’ng Puerto Galera. Kami ni Vice magkasama kami d’yan.  Tapos ano lang kami, e, may kasama akong lalaki noon.  Ako nagdala. Siya walang kasama. Ayun, sabay kami naliligo niyan, ni Vice doon sa Puerta Galera. Naka-panty lang, ganoon. Syempre, hindi naman hubong-hubo. Pero nagkakitaan na kami syempre, oo.  Ganoon lang. Walang nangyari.”

May tsika rin si Vice na dati raw para silang sina Dina Bonnevie at Vic Sotto.

“Hindi kasi, eto na nga,  ako kasi may eksena na, ‘di ba nga may kasama akong lalaki? Dapat ibu-booking ko na sana ‘yung lalaki, e bigla siyang dumating. So, dinaot niya. Daot-tsina si Vice. Hahaha!”

Biruan lang daw nila ‘yun noon.

“Pero wala talaga. Walang intimate na relas­yon kami ni Vice. Hindi ako ang type ni Vice. At saka hindi rin siya ang type ko.”

Bukod kina Regine at Vice, guests din sa concert ni Anton sina Michael  Pangilinan, Raging Divas, 2019 Miss Q&A Mitch Montecarlo Suansane, Jewel Jhonson. Front act performers naman ang Pepper Divas at Rapture Girls.

Makakabili na ng ticket for the concert via Ticketnet online 911-5555.