ANTON DIVA FOREVER FAN NI REGINE VELASQUEZ

ANTON DIVA

AMINADO si Anton Diva na super fan siya ng Asia’s Songbird na si Regine The pointVelasquez.

Malaking bahagi ng kanyang tagumpay ay dahil nakilala siya sa pagbirit ng mga awiting pinasikat ng singer-actress.

Itinuturing din niyang malaking karangalan na makasama sa stage ang kanyang idolong ginagaya.

Kaya naman, sobra siyang flattered nang sorpresang maging guest siya sa nakaraang soldout concert na “The Songbird and the Songhorse” nina Regine at Vice Ganda na ginanap sa Araneta Coliseum noong Pebrero.

Katunayan, well-applauded ang number nilang “Shine” na itinuturing ding national anthem nila ng unkabogable star noong pareho pa silang nag-i-impersonate ng kanilang idolo sa mga sing-along bars.

Nilinaw rin niya na hindi nalilimitahan ang kanyang artistry kung sakali mang identified siya sa panggagaya kay Regine.

“Hindi naman puwedeng mahiwalay sa akin si Ms. Regine. Whenever I have a show o whenever I go out of town, sa mga probinsya o sa ibang bansa, iyon ang ini-expect nila sa akin,”sey niya. “Ako naman, I can’t deny the fact na si Anton si Regine. Kumbaga, lumihis man ako sa pagkanta ko, nandoon pa rin ang timbre ni Regine o style ni Regine. I owe it to her dahil  kung saan man ako ngayon, dahil iyon kay Ate,” dugtong niya.

Gayunpaman, gusto raw niyang patunayan na hindi lang mga awitin ni Regine ang kaya niyang ibirit dahil i-sho-showcase niya ito sa kanyang concert.

Napatunayan na rin kasi niya ang kanyang versatility nang gawin niya ang covers ng “We Could Have it All” ni Maureen McGovern, “Boy” ni Timmy Cruz ,“Ayoko Na Sana” ni Ariel Rivera at marami pang iba.

Sa darating na Hunyo 15 (Sabado), magpapakitang gilas siya sa Shine XXII AD concert na idaraos sa Cuneta Astrodome sa ganap na alas-8 ng gabi.

Bibirit siya ng mga signature songs na pinasikat ni Regine at iba pang awiting nagpakilala sa kanya bilang singing diva.

Ito ay isang musical extravaganza kung saan mamamalas hindi lang ang galing niya sa pag-awit at pagsayaw kundi sa pagpapatawa.

Ang kanyang one-night only concert na hindi dapat palampasin ay hatid ng Teri Onor Entertainment Services (TOES) mula sa direksyon ni Pe-ter Flores Serrano.

Ito rin ay selebrasyon ng ika-22 anibersaryo niya sa showbiz at birthday treat na rin para sa kanyang fans.

Special guests din dito sina Vice Ganda, Regine Velasquez. Kasama ring magpe-perform sina Michael Pangilinan, Raging Divas, Ms. Q & A 2019 Mitch Montecarlo Suansane at  Jewel Jhonson. Front act naman ang  Pepper Divas at  Rapture Girls.

Comments are closed.