ANVIL BUSINESS CLUB, NAG-DONATE NG P750K SA NASALANTA NI ‘ODETTE’

NAGPAABOT ng tulong pinansiyal ang Anvil Business Club para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas Region.

Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City, personal na inabot ni Mr Kenneth Dee, incoming president ng Anvil Business Club ang pondo sa General Luna Siargao, (P300,000); Bacolod Filipino Chinese Junior Chamber of Commerce and Industry (P300,000) at Tzu Chi Foundation (P150,000)

Ayon kay Dee, ang nasabing tulong ang unang batch pa lamang na financial assistance at inaasahang masusundan pa para muling makabangon ang mga kababayang naapektuhan ng nasabing bagyo.

Umaasa si Dee na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay mararamdaman pa rin ng mga nasalanta ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng mga tulong kung saan planong magbigay ng mga pagkain, malinis na tubig, hygenic kits, building materials at iba pa.

Sa kabila ng naganap na kalamidad ay umaasa pa rin si Dee na muling manunumbalik ang ekonomiya ng bansa.

Ang Anvil Business Club ay kalipunan ng mga young Filipino Chinese entrepreneurs na kaakibat ng mga negosyante sa bansa. BENJIE GOMEZ