AP #164 AKO’Y PILIPINO PARTY-LIST DINUMOG SA PAROLA, TONDO

NAGING matagumpay ang grand rally ng AP Ako’y Pilipino #164 sa Parola Compound sa Tondo, Maynila nitong Abril 28.

Ito ay nang dagsain ng mga residente roon at karatig barangay ang grand rally ng boses ng Pilipino kung saan binisita rin sila ng Task Force 164 sa pangunguna ng actor na si Coco Martin.

Kasama rin sa Task Force 164 ang beteranong aktor na si Michael De Mesa at maging sina Raymart Santiago, Angel Aquino at John Pratts at iba pa ay nagbigay ng saya sa mga taga-Parola.

Tampok din ang maikling talumpati ni AP Ako’y Pilipino Partyl-ist First nominee, Hon. Ronnie L. Ong na nangakong tuloy ang kanilang pag-ayuda sa nangangailangan gaya ng ginawa nilang relief operations sa panahon ng pandemya.

Tema ng party list ay biyaheng pag-asenso sa bawat Filipino kaya lahat ay inanyayahan na maging bahagi ng kanilang partido. EUNICE CELARIO