MAS kilala sa telebisyon bilang mga miyembro ng Task Force Agilia, sila Michael de Mesa, Angel Aquino, Raymart Santiago, John Medina at Marc Solis ay nagpakita ng kanilang buong suporta sa AP Partylist nitong sabado at linggo sa kanilang pag-iikot sa mga palengke at tiangge. Binansagang Task Force 164, sinamahan nila si AP partylist first nominee Rep. Ronnie Ong sa palengke ng Commonwealth Market sa Quezon City nitong sabado ng umaga. Sa pag-iikot nila dito ay naka-usap nila at nakilala ang ilan sa mga masisipag nating mga manininda at pati na rin mga mamimili.
Pagdating naman ng linggo, ang Task Force 164 ay umikot naman sa mga tiangge ng Taytay, Rizal. Bukod sa mga nakilala nilang mga mamimili at mga tindera, sila rin ay nakapag pamili sa kanilang paglilibot sa tiangge.
Sa social media ay patuloy ang AP Team at Task Force 164 sa pagbibigay impormasyon tungkol sa mga programa at inisyatibo ng AP Partylist at ni Rep. Ronnie sa pagtulong na ma-iangat ang buhay ng bawat Pilipino.
Ang Biyaheng Asenso na plataporma ng AP Partylist ay kinapapalooban ng mga inisyatibo para sa dagdag na kabuhayan, edukasyon para sa lahat, kalusugan at commuters’ bill of rights.
Sa kanilang patalastas sa social media ang mga miyembro ng Task Force Agila ay sinabayan so Coco Martin sa pa-alala na, “‘Wag nang mangamba, nandito na ang AP Partylist. Dito na tayo sa biyaheng aasenso ang lahat ng Pilipino,” upang mahikayat ang mga manonood na suportahan ang kanilang bagong partylist na 164 AP Partylist.
Para malaman ang iba pang mga program ng AP Partylist, bisitahin at sundan ang kanilang mga account sa social media: appartytist on Instagram at Twitter; APPartylist sa Facebook at Youtube; at the.ap.partylist sa TikTok.