NAVOTAS CITY – NAKIKITIRA ngayon sa mga kamag-anak at kaibigan ang 15 pamilya makaraang masunog ang kanilang tahanan sa Santillan St., Brgy. San Jose noong Sabado.
Ang nasunog ay dalawang palapag na apartment building.
Base sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang sunog sa apartment unit ng isang Ana Reyes eksakto alas-2:18 ng hapon.
Isang bumbero rin ang nasaktan sa sunog matapos na lumusot sa bubong ng apartment building at mapilayan ng braso.
Ang sunog na umabot ng ikatlong alarma at idineklarang under control eksakto alas-4:08 at fire out ganap na 5:24 ng hapon.
Natupok ang pitong unit ng apartment kung saan tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.