APAT NA ARAW NA CHOCO FEST INILUNSAD SA CDO

Director Almer Masillones

SINIMULAN kama­kailan ang apat na araw na “Chocolate Festival”. Ipinahayag ng Department of Trade and Industry (DTI)-10 Northern Mindanao na layon nitong palawakin ang oportunidad para sa mga lokal na magtatanim ng cacao.

Sinabi ni DTI-Mi­samis Oriental Director Almer Masillones na ang festival ay may kabuuang  23 exhibitors na magpapakita ng kanilang mga produkto sa SM CDO Downtown Premiere hanggang ngayong araw, Pebrero 16.

“We have been looking for avenues to promote and strengthen the cacao industry of the region and DTI is committed to establish a globally-competitive and sustainable cacao industry, as envisioned in the 2016-2022 Philippine Cacao Industry Road Map,” pahayag ni Masillones.

Sinabi niya na umaasa siya na sa pamamagitan ng festival, ang local cacao industry ay makakapag-mobilize ng lahat ng mga kasapi nito para sa isang concerted industry-wide development effort para maka-produce ng 100,000 metric tons ng tuyo at binu-rong cacao beans sa 2022, at ma­ging active player sa pandaigdigang value chain at gawain.

Napansin din ni Francisco Calote, chairman ng  Northern Min­danao Cacao Industry Council, ang mga lumalagong demand pa-ra sa produkto ng cocoa.

“The world may soon run out of chocolate. This is the time when the country can contribute to the global supply,” ani Calote. Ayon sa kanya, sa mga kasalukuyang demand ng produkto ng cocoa ay maaaring magkaroon ng kakulangan ng supply sa 2020.

Sa Filipinas, napansin niya na ang local consumption ay laging nasa 50,000 metric tons kada taon, lagpas ng 10,000 metric tons.

Sinabi niya na ang produksiyon ng cacao sa Mindanao ay sumasaklaw sa 90 porsiyento ng total production ng bansa, 80 por-siyento ay galing sa Davao Region ang 20,000 ektarya ng cacao.

Sinabi pa ni Masillones, na ang Northern Mindanao ay puwedeng maka-produce ng 4,000 metric tons ng cacao sa 2022.

Dahil napansin niya na ang rehiyon ay nakakuha ng maliit pero malaking hakbang sa pagpapabuti ng industriya ng cacao, sinabi niya na sa nagdaang taon, nai-report na ang Northern Mindanao ay nakakuha ng PHP38 million sa pamumuhunan at trabaho para sa 685 magsasaka at processors.                 PNA

Comments are closed.