Ang Kapaskuhan o ang selebrasyon sa kapanganak ni Hesus ay hindi natatapos ng Disyembre 25.
Sa buong mundo ito ang ipinagdiriwang na ang tawag naman nila ay “Thanksgiving Day”.
Dito sa ating bansa mayroong ibang bayan na binibigyang halaga rin o ipinagdiriwang din ang pagdating ng tatlong hari o 3 Kings na naglakbay upang makita ang hari ng mundo na ipinanganak sa sabsaban na si Hesukristo.
Sinundan ang pinakamaningning na tala sa kalangitan at hinandugan ng munting regalo.
Sa lalawigan ng Laguna sa bayan ng Nagcarlan, ipinagdiriwang Ang pagbisita ng 3 haring mago.
Ang araw na ito ay mahalaga sa kanila dahil dito sila naghahanda ng mga pamasko para sa mga bata kasabay ang paghahanda ng masarap at espesyal na pagkain.
Dumaan man ang maraming henerasyon hindi mawawala ang kanilang nakagisnan na bukod sa pagluluto ng tikoy sa tukil na isa ring espesyal na pagkain sa kanila ay mayroon pang Isang maituturing na espesyal ang “Kalamay”.
Isa itong kakaning malagkit na na gawa sa purong malagkit na bigas na hinahaluan ng mga masasarap na sangkap at hinalo ng ng halos isang oras sa kawa.
Kilala rito sa kanilang lugar si Jacinto Pamatmat na nasa 60 taong gulang na tubong Nagcarlan.
Isa siyang eksperto sa pagluluto ng Kalamay na may 4 na may dekada na.
Siya lamang ang nakamana sa kanyang mga magulang sa pagkahilig sa pagluluto ng espesyal na kakanin.
Espesyal ito dahil sa mga sangkap na inihalo habang niluluto sa tamang lakas ng gatong hanggang sa palalaputin sa paghalo sa loob ng halos isang oras.
Ang mga sangkap na tulad ng asukal, gatas, keso, mantikilya at mani ay tinatawag niyang special habang plain o ordinary naman kung ang sangkap ay asukal lamang.
Ang pa-order sa kanyang mga costumer ay nagkakahalaga ng P800 bawat bilao kung ordinary kalamay at kung special kalamay naman ay nasa P900 kada bilao.
Nitong araw ng Huwebes sa selebrasyon ng 3 kings sa Nagcarlan ay nakapagluto si Jacinto ng halos walong bilao.
Sa kanyang puhunang higit P1,000 ay napalago niya ng P6,000.
Ang bawat Kalamay ay tumatagal ng isang buwan kung ito ay nasa loob ng refrigerator.
Dahil sa kanyang pagluluto ng Kalamay na may 40 taon na, nakapagpundar siya ng mga kagamitan sa pang-maramihang pagluluto tulad ng mga kalan, kaserola at sandok.
Kung minsan ay naiimbitahan din siya sa mga okasyon ng kasalan o malalaking handaan.
Hindi matatawaran ang pagkahilig ni Jacinto sa pagluluto dahil sa pagkadarang sa init ng apoy marahil ang ilan sa atin ay susuko.
Ngunit, si Jacinto ay hindi dahil patuloy siyang magtitiyaga sa paghahalo ng kanyang espesyal na Kalamay na gawang Nagcarlan hanggat mayroong tumatangkilik sa kanyang produkto .CYRILL QUILO