APAT NA LUGAR SA BANSA POSITIBO SA SHELLFISH POISON

SHELLFISH POISON

INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nag-positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish mula sa apat na lugar sa bansa.

Ayon sa BFAR, mataas ang level ng marine biotoxin sa San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur at mga katubigang bahagi ng Dauis at bahagi ng Tagbilaran City, kapwa sa lalawigan ng Bohol.

Sinabi ng BFAR na dahil dito lahat ng uri ng shellfish maging ang acetes o alamang ay hindi ligtas kainin.

Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at ali­mango subalit kailangang tiyaking sariwa ang mga ito, nahugasang mabuti at natanggal ang mga hasang at bituka bago lutuin.

Ipinabatid pa ng BFAR na ligtas na sa red tide ang coastal waters ng Pampanga at Cancabato Bay sa Tacloban, Leyte.