APAT NA TSERMAN IDINEKLARANG PERSONA NON-GRATA SA CAUAYAN CITY

Mayor Bernard Dy

ISABELA – SA ikalawang pagkakataon, isang lungsod at apat na barangay sa Isabela ang nagpatibay ng isang resolusyon na nagdedeklarang persona non-grata ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) sa kautusan ni City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy, ng Caua­yan City.

Ayon kay Mayor Bernard Dy, ang deklaras­yon ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihayag na persona non-grata ang mi­yembro ng CPP-NPA sa buong bansa.

Sa kabila nito ay umaasa pa Rin si Mayor Dy na hindi manggugulo ang makakaliwang grupo kundi makikipagtulu­ngan sila sa pamahalaan upang maging tahimik ang buong lalawigan ng Isabela na kilala rin sa mga mamamayan na ang kanilang grupo ay tumutulong sa mga maliliit na magsasaka.

Magugunitang unang nagpasa ng resolusyon ng persona non-grata sa grupong CPP-NPA kabilang ang isang lider ng magsasaka na si Cita Managuelod, sa mga barangay ng Sta. Isabel Sur at Sta. Isabel Norte sa Ilagan City at mga barangay ng San Miguel at Benguet sa Echague, Isabela.

Ayon naman kay Lt. Col. Remigio Dulatre, commanding officer ng 86th Infantry Battalion Philippine Army, na sawa na ang mga tao sa panlilinlang ng mga NPA kaya sila na umano ang humiling na ideklarang persona non-grata ang mga rebelde. IRENE GONZALES

Comments are closed.