QUEZON-ISANG ground breaking ceremony ang isinasagawa bilang panimula sa itatayong Area Police Command Southern Luzon (APC-SL) Main Building sa Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City.
Pinangunahan ni APC-SL Commander Lt. Gen. Rhoderic C Armamento ang seremonya kasama sina Deputy Chief PNP for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia at SOLCOM Commander Lt. Gen. Efren Baluyot na counterpart ng APC-SL kabilang din si QPPO PD Col. Ledon D Monte at police officers mula sa Region 4A,Region 4B,at Region 5 na Area of Responsibility ng APC-SL gayundin ang ilang lokal na opisyal ng lungsod ng Lucena.
Ang pagtatayuan ng APC-SL Headquarters na lupang may sukat na isang ektarya (10,000 SQM) ay donasyon ng lokal na pamahalaan ng Lucena City noong Hunyo 3,2021 at pormal na nai-donate sa PNP noong Agosto 1, 2022.
Sa tulong ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero, magagamit na ang inisyal na P150 milyong pondong ipinagkaloob nito para sa pagpapatayo ng gusali ng APC-SL headquarters.
Tinukoy ni Gen Armamento, ang ginagampanang tungkulin ng APC-SL sa pambansang pulisya ay ang responsibilidad na tignan at alamin ang mga insidenteng may kinalaman sa terrorism, insurgency, trans-regional crimes kabilang ang paglansag sa PSGs PPAGs, pagsasagawa ng search and retrieval operation sa kanilang nasasakupang.
Sinabi pa ni Armamento na inabutan na niya hanggang sa kasalukuyan na walang sariling pag-aari na headquarters ang APC-SL at ito ay nangungupahan lamang sa subdivision ng Metropolis Clubhouse, kung kaya naisip niya na gumawa ng hakbang at paraan upang magkaroon ng sariling headquarters ang APC-SL na maituturing na tunay na pag-aari ng PNP.
Naniniwala si Armamento na kapag nagkaroon ng maayos na headquarters ang kanyang pinamumunuan na sangay ng PNP ay maayos na magagampanan ang trabaho at paglilingkod sa bayan at mamamayan ang bawat pulis ng APC-SL maging ang seguridad ng bawat pulis na miyembro nito ay nakasisiguro sa kanilang kaligtasan habang nagtatrabaho sa kani-kanilang mga opisina at tinutuluyang quarters.
BONG RIVERA