NAGLAAN ang Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ng P60 million sa livelihood loan assistance program para sa mga magbababoy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).
“Another important decision ng ACPC ngayon ay naglaan kami ng P60 million para sa livelihood assistance to those affected by the African Swine Fever,” wika ni Agriculture Secretary William Dar.
Ayon kay Dar, makauutang ng hanggang P30,000 ang bawat hog raiser at maaari itong bayaran ng hanggang tatlong taon nang walang interest bilang tulong ng kagawaran.
Ang nasabing halaga ay magagamit, aniya, ng mga hog raiser para muling makabangon matapos ang pinsala ng ASF.
“Hog raisers who will go for the loan can buy any inputs they want for their livelihood activities. So, hindi lang baboy, puwede rin silang bumili ng manok. Basta pangkabuhayan itong livelihood assistance to those affected by African Swine Fever,” anang kalihim.
Nauna nang nakatanggap ng P82.5 million ang Bureau of Animal Industry (BAI) mula sa Department of Budget Management (DBM) para sa preventive measures laban sa ASF.
Makaraang matanggap ang resulta ng blood tests mula sa mga baboy na namatay sa lalawigan ng Rizal, inanunsiyo ng DA noong Lunes na karamihan sa samples ay positibo sa ASF.
Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng DA ang ‘1-7-10 Protocol’ upang makontrol ang pagkalat ng ASF sa bansa.
“Under the protocol, quarantine checkpoints are set up in areas within a 1-kilometer radius of suspected farms—monitoring the movement of live pigs, pork, and pork products,” ayon sa DA.
“Within a 7-kilometer radius, authorities are conducting surveillance and limiting animal movement.
“Farm owners within the 10-kilometer radius are mandated to report any disease to the DA.”
Comments are closed.