(Apektado ng COVID-19) 230K OFWs TARGET AYUDAHAN NG DOLE

DOLE

MAYNILA -INIULAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit na sa 230,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nangangailangan ngayon ng cash assistance mula sa pamahalaaan matapos na maapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa DOLE, lampas ito sa itinakda nilang target na 150,000 beneficiaries para sa P1.5 billion AKAP aid fund.

Anang DOLE, dahil dito ay plano nila ngayon na mag-request ng supplemental budget upang mas maraming OFWs ang mapagkalooban ng kinakailangang emergency assistance.

Kaugnay nito, iniulat rin ng DOLE na lumobo rin ang mga locally displaced workers ng mahigit dalawang milyon habang ang bilang naman ng mga displaced OFWs ay halos nasa 100,000 na.

“Based on reports by the Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) in 40 posts across the globe, a total of 89,436 OFWs were either displaced or on a no-work, no-pay status due to lockdowns and slowdown of businesses in host countries,” ulat ng DOLE.

“As of April 24, the POLOs and the local offices of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) already received 233,015 requests for assistance under the Covid Adjustment Measures Program – AKAP emergency fund that provides a one-time P10,000 or $200 cash aid to qualified OFWs,” anito pa.

Dagdag pa ng DOLE, sa kabuuang bilang ng requests, 118,134 ang natanggap ng POLOs mula sa mga manggagawa na nasa trabaho habang ang iba pa ay isinumite naman ng mga OFWs na naiuwi na ng OWWA at DOLE regional offices sa bansa.

Sa mga humihingi ng tulong, 49,040 OFWs na ang nakatanggap ng cash aid matapos na makakumpleto ng requirements.

Anang DOLE, ang mga eligible na makatanggap ng tulong ay mula sa land at sea-based workers.

“Of those already getting the cash aid, close to 34,000 are onsite OFWs or those still staying in host countries despite the lockdowns, while more than 15,000 have already been repatriated or those returning OFWs unable to depart to their country of destination,” anang DOLE.

Iniulat pa nito na ang OWWA at POLOs ay nakatulong na sa 36,385 repatriated OFWs buhat nang magsimula ang health crisis.

Pagdating naman sa local work displacement, sinabi ng DOLE na nakapag-disburse na sila ng P1.7 bilyon ng kanilang regular funds para sa one-time assistance na P5,000 sa ilalim ng CAMP para sa 345,865 formal sector workers.

“Another 259,449 informal sector workers benefitted from the Tulong Panghanapbuhay sa Displaced/Disadvantaged Workers Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK) program amounting to P1.14 billion also from DOLE’s 2020 budget,” anang DOLE.

Nabatid na Abril 15 pa nang itigil ng DOLE ang pagtanggap ng requests para sa assistance sa ilalim ng CAMP matapos na dagsain ng mga aplikasyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.