INILUNSAD ng state-run Land Bank of the Philippines ang isang lending program upang tulungan ang small and medium enterprises (SMEs), microfinance institutions (MFIs) at cooperatives na makabangon mula sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Layon ng Interim REhabilitation Support to Cushion Unfavorably-affected Enterprises by COVID-19 (I-RESCUE) lending program ng state lender na magkaloob ng ayuda sa pamamagitan ng credit at loan restructuring sa ilalim ng mas flexible na terms and conditions.
“Interested SMEs, MFIs and cooperatives may borrow up to 85% of their actual need for working capital, at an interest rate of 5% per annum, payable up to a maximum of five years, with grace period on the principal payment,” ayon sa statement ng LandBank.
Ang I-RESCUE program ay nag-aalok din ng restructuring ng existing loan account via additional loan, extended repayment period, o sa pamamagitan ng ibang paraan.
Ang loan ay maaaring i-extend ng hanggang 10 taon, na may hanggang tatlong taon na grace period sa principal at hanggang isang taon na grace period sa interest, depende sa cash flow.
“LandBank stands ready to respond to the financial needs of enterprises hardly hit by the COVID-19 pandemic for rehabilitation support. We hope that the I-RESCUE Lending Program will help restore economic and social activities in our country, especially in the countryside,” wika ni LandBank president and CEO Cecilia Borromeo.
Ang LandBank I-RESCUE Lending Program ay bilang suporta sa Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act,” na tumitiyak sa pagkakaloob ng napapanahon at abot-kayang pautang sa mga sektor na naapektuhan ng COVID-19, kabilang ang maliliit na magsasaka at mangingisda.
Ang mga interesadong borrower ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na bukas na LandBank Lending center o branch sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa customer service hotline nito sa (02) 8-405-7000 o sa PLDT domestic toll free 1-800-10-405-7000.