APEKTADO NG DRY SPELL DUMAMI

Executive Director Ricardo Jalad

DUMAMI  pa ang bilang ng lugar na nasa ila­lim ng state of calamity dahil sa nararanasang El Niño phenomenon.

Inihayag ni  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na may apat na nadagdag sa kanilang listahan ng mga lugar na apektado ng dry spell kabilang dito ang Occidental Mindoro, Camarines Sur, Cebu province, at Cotabato City.

Pumalo na sa kasalukuyang  P5 billion ang halaga ng pinsalang naidulot ng El Niño phenomenon sa mga pananim.

Ayon naman sa state weather bureau na Pagasa, hindi tulad ng ibang kalamidad ay tahimik ngunit mapanira ang epekto ng El Niño, tulad ng naranasan noong 2016 kung saan walong probinsiya at 12 lungsod ang isinailalim sa state of calamity dahil dito.

Nagbabala ang Pagasa na sa buwan ng Mayo ay tinatayang may 33 probinsiya ang magkakaroon ng tinatawag na “meteorologi-cal drought” o mas kaun­ting ulan kaysa sa normal.

Giit ng Pagasa, kailangang i-monitor ng mga lokal na pamahalaan ang magiging epekto ng tagtuyot sa kanilang mga nasasa-kupan.

Inirekomenda  naman ng mambabatas sa Kamara na gamitin na ang $500 million na halaga ng disaster relief fund ng World Bank na ayon din sa Department of Finance (DOF) ay maaaring gami­tin kung kina-kailangan.    NENET V.