NAKAHANDA ang Department of Agriculture (DA) na kupkupin ang mga hayop na
naiwan ng mga nag-aalaga sa kanila sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Nag-aalok din ang DA ng pautang na maaaring bayaran sa loob ng walong taon na walang interest.
Ayon sa ahensiya, ang owner ng isang full-grown cow ay maaaring makautang ng P8,000, habang ang mga may-ari ng kabayo, kambing at tupa ay may tig- P5,000.
Ang owners ng young animal ay makahihiram naman ng hanggang P4,000.
Nilinaw naman ng DA na magkakaloob ito ng pautang para sa maximum na 10 hayop kada magsasaka.
“Inihahabilin lang sa amin kasi hindi namin isinasangla, kasi the ownership of the animalis retain with the farmers. Importante lang dito, may babalikan sila kasi kapag naibenta na na nila, hindi na nila pag-aari ‘yung mga hayop na ‘yon,” pahayag ni Arnel De Mesa, regional director ng DA sa Southern Tagalog.
Aniya, ang mga hayop ay dadalhin sa isang shelter sa Tanauan, Padre Garcia, at sa isang livestock emergency operation center sa Lipa, Batangas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.