(Apektadong hog farmers aayudahan) ASF UMATAKE SA SOUTH COTABATO

asf

KINUMPIRMA ng Provincial Veterinary Office (PVET) ang mga positibong kaso ng African swine fever (ASF) sa tatlong barangays sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Batay sa report, may kabuuang 200 baboy ang pinatay hanggang noong March 31.

Ayon sa PVET, patuloy nilang binabantayan ang naturang lugar para sa posibleng pagkalat ng virus.

Idinagdag pa ng VET na aayudahan ng local government unit (LGU) ang mga hog farmer na naapektuhan ng ASF.

Pinapayuhan naman ang mga magsasaka na agad i-report ang mga pinaghihinalaang kaso ng ASF para kagyat na makapagsagawa ng culling o depopulation ng mga infected at susceptible hogs.

Nauna rito ay ipinagbawal ng Koronodal City, Tantangan, at Omonoloc ang pagbiyahe ng live hogs at pork mula sa mga katabing bayan dahil sa banta ng ASF, isang highly contagious viral disease na naging problema ng bansa magmula nang magka-outbreak nito noong October 2019.