(Apela kay Duterte at sa Kongreso) VAPE BILL IBASURA

vape

IPINABABASURA  ng mga doktor ang Vape Bill na nakahain ngayon sa dalawang kapulungan ng Kongreso dahil pahihinain umano nito ang mga regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng vapes, e-cigarattes at iba pang katulad na produkto.

Isinulong ng may 100 doktor na mga miyembro ng iba’t ibang medical societies sa bansa ang panawagang “Junk the Vape Bill” sa isang pulong balitaan na ginanap kamakailan, kasama na rito ang Philippine Medical Association, Philippine College of Physicians, Philippine Pediatrics Society, Child Neurology Society of the Philippines, Asia-Pacific Center for Evidence-Based Healthcare, Philippine Heart Association, at  Philippine College of Chest Physicians.

Nanawagan din ang mga doktor kay Pangulong Duterte na i-veto ang Vape Bill sakaling maaprubahan ito ng Kongreso at makarating sa Malakanyang.

Limang dahilan ang ibinigay ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, sa kanilang hangarin na harangin ang pagsasabatas ng Vape Bill.

Ang mga ito ay puwede nang makabili ng vape cigarettes ang 18-anyos mula sa orihinal na 21 anyos; ang pagkakaroon ng mas maraming flavors na makahihikayat sa mga murang edad na bumili nito; ang paglipat sa regulasyon ng e-cigarettes sa DTI mula sa FDA; ang pagpayag na magkaroon na rin ng vaping sa mga eskwelahan, ospital at iba pang pampublikong lugar; at ang kawalan ng probisyon na magbabawal sa e-cigarettes na maibenta sa mga ‘di naninigarilyo o non-smokers.

Sinabi pa ni Limpin na mistulang nilulusaw ng Vape Bill ang mahigpit na regulasyon na nakasaad sa Sin Tax Reform Act o RA 11466 na noon lamang nakaraang taon isinabatas.

Itinatakda ng RA 11466 ang regulasyon sa vape at e-cigarettes sa FDA tulad ng maaari lamang itong mabili ng mga nag-eedad 21-anyos at limitahan lamang ang flavor nito sa simpleng tabako at menthol upang ‘di mahikayat ang mga bata na subukan ito.

“This measure is anti-youth and anti-health, because it puts public health and young consumers at risk at a time when we should be strengthening the health system against COVID-19,” ayon pa kay Dr. Limpin.

Nagbabala rin sina  pediatric pulmonologist Dr. Corry Avancena at pediatric neurologist Dr. Kristine Latorre-Medoza na ang mga delikadong kemikal ng vape cigarettes ay makasisira sa immune system at makaaapekto sa brain developments ng mga teenager.

Sinabi naman ni Dr.Glynna Ong Cabrera,  isang pulmonologist na nanggagamot sa mga COVID patient, na kailangnag malusog ang baga ng mga tao lalo na ngayong may pamdemya.

Aniya, mas mataas ang posibilidad na kapitan ng COVID-19 ang mga taong naninigarilyo, kabilang na ang vape cigarettes dahil pinalalala nito  ang comorbidity ng isang tao tulad ng heart attack, sakit sa baga, at stroke.

6 thoughts on “(Apela kay Duterte at sa Kongreso) VAPE BILL IBASURA”

  1. 397788 222986You may uncover effective specific development of any L . a . Weight loss program and each and every you are extremely important. To begin with level is an natural misplacing during the too significantly weight. lose belly fat 799222

Comments are closed.