(Apela ng 200K vapers) E-CIGARETTE I-REGULATE

Vapers

UMAPELA ang mahigit 200,000 vapers sa Filipinas kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-regulate o magtakda ng panuntuan hinggil sa paggamit ng e-cigarette kaysa ipagbawal ito.

Bukod sa regulasyon, inamin din ng Philippine E-cigarette Industry Association (PECIA), Coalition of Asia Pacific Tobacco harm Reduction Advocates (CAPHRA), The Vapers Alliance at ng Nicotine Consumer of the Philippines (NCUP) na dismayado sila sa kautusan ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na arestuhin ang mahuhuling  lalabag sa  e-cigarette ban sa pampublikong lugar.

Hinala rin ng mga grupo na posibleng hindi naipaliwanag nang mabuti sa Pangulo na 95 percent na ligtas ang paggamit ng e-cigarette kumpara sa paghithit ng sigarilyo o tabako.

Dagdag pa ng grupo na dahil ipinagbawal ang vaping sa bansa, posibleng lumala ang maraming magumon sa sigarilyo sa Filipinas.

Pahayag pa ni Clarisse Virgino ng CAPHRA na tila naengganyo pa ang mga vaper na bumalik sa paninigarilyo.

Batay anila sa pag-aaral, millions of smokers ang natulungan para tumigil sa paninigarilyo sa buong mundo subalit dahil sa vaping ban, ay babalik ang mga e-cigarette user sa tobacco.

Nanindigan naman ang PECIA na ang e-cigarettes ay para sa adult smokers  at hindi para sa mga menor habang noong 2013 pa nila isinusulong ang regulasyon para rito.

Batay sa World Health Organization, ang panini­garilyo ng tabako ay mahigit 7,000 peligroso at nagtataglay ng harmful and potentially harmful chemicals (HPHC) habang ang aerosol emissions na mula sa vaping products ay naiulat na mas ligtas at kaunti ang HPHCs.

Sa pag-aaral naman ng University College London (UCL) sa United Kingdom, ang pagamit ng e-cigarettes ay nakatulong sa 50,000 at 70,000 smokers sa England na tumigil na sa paninigarilyo.

Pahayag rin ng Vapers Alliance na walang naiulat na sakit sa UK sa mga vaper. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.