IBINASURA kahapon ng Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN na ipatigil ang shutdown order ng National Telecommunica-tions Commission (NTC) noong Mayo.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay ‘moot’ na matapos patayin ng Kamara ang prangkisa ng network.
Magugunitang Mayo 5 nang magpalabas ang NTC ng cease and desist order para ipatigil ang operasyon ng giant network dahil sa napasong prangkisa.
Noong Mayo 7 ay naghain ang ABS-CBN sa SC ng petition for certiorari at prohibition laban sa kautusan ng NTC dahil isa umano itong ‘grave abuse of discretion’.
Ngunit sa kanilang ruling ay sinabi ng Korte Suprema na unanimous ang boto ng mga mahistrado na ibasura na ang petisyon dahil patay na rin naman ang prangkisa ng ABS-CBN.
“According to the Court, in light of the supervening denial of the pending House Bills for the renewal of ABS-CBN Corporation’s legis-lative franchise on July 10, 2020, the Court finds it appropriate to dismiss the case on the ground of mootness,” wika ni SC spokes-man Brian Keith Hosaka.
Comments are closed.