(Apela ng agri group) LOANS PA MORE SA LOCAL HOG RAISERS

Ernie Ordoñez

SA HALIP na babaan ang taripa sa baboy, dapat na magkaloob ang pamahalaan ng dagdag na pautang sa mga local farmer para maparami nila ang hog population sa bansa na lulutas sa problema ng tumataas na presyo ng baboy, ayon sa isang agriculture advocacy group.

“Do what other countries’ do, put the facilities, enlarge the population, give them the loans. Import, import, import but for me don’t give a [tariff] reduction at all and secondly help the locals by putting in the measures, give the loans and insurance aspect,” wika ni Alyansa Agrikultura chairman Ernie Ordoñez.

Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na may panukalang babaan ang taripa sa baboy sa loob ng isang taon.

Ayon kay Ordoñez, ang hakbang ay magbibigay lamang ng dagdag na kita sa mga importer at hindi sa hog raisers.

“They want to bring down the tariffs, make it really cheap that importers are really hungry to bring it in but we don’t need the whole thing coming in because we don’t have jobs,” ani Ordoñez.

“We don’t have to drop it at all. They’re already cheaper than us. They’re already making enough,” dagdag pa niya.

Sumipa ang presyo ng baboy dahil sa kakulangan sa suplay sanhi ng African Swine Fever (ASF).

Bukod sa pag-angkat at pagpapautang, sinabi ni Ordoñez na kailangang tuldukan na ng pamahalaan ang ASF.

Ayon sa DA, ang  pork meat products mula sa Visayas at Mindanao ay dinadala sa Metro Manila araw-araw para matugunan ang pangangailangan nito.

Comments are closed.