(Apela ng BI sa airline companies) DAYUHANG WALANG VISA ‘WAG PASAKAYIN

Commissioner Jaime Morente-7

UMAPELA ang Bureau of Immigration (BI) sa airline companies na huwag pasakayin ang mga dayuhan na tutungo sa Filipinas na walang approved visa para pumasok sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, bunsod ito ng mga ulat na natatanggap na maraming dayuhan ang pinabalik sa kanilang mga port of origin bunsod sa walang maipakitang mga visa.

Ang mga dayuhang pinabalik sa kanilang mga bansa ay ang mga lumapag sa Mactan International Airports , Cebu at ang mga dumating sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Morente responsibilidad ng mga airlines na busisiin ang bawat foreigners na papasok sa Filipinas na mayroon approved visa na inisyu ng pamahalaan.

Aniya, kinakailangan updated ang mga airlines sa mga bagong inilalabas na international travel ng Anti-Inter-Agency Task Force (AIATF) laban sa COVID-19 partikular na sa mga naka-post sa social media at BI website.

Ayon naman kay BI Port Operations Division Chief  Atty. Candy Tan, hindi sila nagkukulang sa paalala sa mga airlines na iwasan tumanggap sa mga dayuhan ng walang kaukulang mga dokumento upang makaiwas sa pananagutan.

Magugunitang, pansamantalang inalis ang travel restriction ng IATF kaugnay sa arrival ng mga dayuhang pasahero sa ilalim ng Executive Order No. 226, “as amended by Republic Act No. 8756, those with 47(a)2 visas, and those visas issued by the Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority, as well as the Subic Bay Metropolitan Authority are now allowed to enter the country.”

Ang foreign nationals na mayroon visas sa ilalim ng EO 226 ay ang mga nagtratrabaho bilang executives sa multinational companies sa bansa. At ang may hawak ng 47(a)2 visas o tinatawag na special non-immigrants ay ipinagkaloob ng Department of Justice (DOJ) habang ang Aurora at Subic-issued visas ay nasa ilalim ng special economic zones.

Maging ang accredited foreign government at international organization officials  gayundin ang kanilang dependents, foreign airline crewmembers, foreign seafarers na may 9(c) visas  at mga dayuhan na mayroon long-term visas.

Subalit, kinakailangan pa rin na mag-undergo ang mga ito sa regular immigration inspection para sa kinakailangang dokumento at pre-booked sa accre­dited quarantine facility ng pamahalaan bago duma­ting sa Filipinas. FROILAN MORALLOS/ PAUL ROLDAN

6 thoughts on “(Apela ng BI sa airline companies) DAYUHANG WALANG VISA ‘WAG PASAKAYIN”

  1. 841937 113940Lastly, got what I was looking for!! Ive genuinely enjoying every small bit of this. Ecstatic I stumbled into this post! and also Ive bookmarked to appear at exclusive info for your weblog post. 125292

  2. 937516 20711great work Superb weblog here! Also your web internet site a whole lot up fast! What web host are you the usage of? Can I get your associate link on your host? I want my web site loaded up as quickly as yours lol 33027

  3. 861838 532650The vacation trades offered are evaluated a variety of inside the chosen and simply good value all about the world. Those hostels are normally based towards households which you will find accented by way of charming shores promoting crystal-clear fishing holes, concurrent of ones Ocean. Hotels Discounts 435435

  4. 62858 266669Hi. Thank you for generating this website . I m working on betting online niche and have identified this site employing search on bing . Is going to be positive to appear more of your content material . Gracias , see ya. :S 158030

  5. 972114 651449Howdy just wanted to give you a brief heads up and let you know a couple of of the pictures arent loading properly. Im not sure why but I think its a linking issue. Ive tried it in two different internet browsers and both show exactly the same outcome. 730423

Leave a Reply

Your email address will not be published.