(Apela ng consumer group sa regulatory agencies) PRICE FREEZE VIOLATORS PARUSAHAN

Vic Dimagiba

NANAWAGAN ang isang consumer group sa regulatory agencies na ganap na ipatupad ang price freeze at parusahan ang mga la labag sa kautusan na pinairal sa Luzon kasunod ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Laban Konsyumer president Vic Dimagiba, dapat na makipag-ugnayan ang regulatory agencies sa isa’t isa upang ipatupad ang kanilang mandato.

“We just go back to the basic e. If we want to discipline the market, I think we should do the work. Hindi nagagawa eh,” sabi ni Dimagiba.

Binigyang-diin niya na kailangang coordinated o synchronized ang regulatory agencies sa pagpapatupad ng kanilang mandato.

Sa kabila ng mga report ng paglabag sa price freeze sa mga pamilihan, sinabi ni Dimagiba na wala namang napapaulat na naparurusahan.

“Walang hinuhuli e at walang nanghuhuli. Sa poder naman nila sa price freeze, Price Act na kapag lumampas sa itinakda mong suggested retail price ay puwede mong hulihin ang nagtitinda,” aniya.

Dagdag pa niya, harapan ang mga paglabag sa price freeze subalit walang mga nahuhuli.

“‘Yan po ang puno’t dulo bakit hindi talaga nadidisiplina ang market.”

Ayon kay Dimagiba, ang 60-day price freeze ay magtatapos sa Enero 18.

Comments are closed.