APELA NG DENR SA PUBLIKO SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON: WALANG PAPUTOK

Secretary Roy Cimatu-4

UMAPELA kahapon ang Department Of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na iwasang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Giit ni DENR Sec. Roy Cimatu, ang mga tradisyunal na pagpapaingay sa Bagong Taon ay nagdudulot ng polusyon sa hangin at nagdudulot ng banta sa kalusugan.

Sa halip na gumamit ng pyrotechnics at firecrackers, hinimok ng DENR ang publiko na gumamit ng eco-friendly alternatives, tulad ng street parties, musical concerts, pagpapatugtog ng malakas at pagpapatunog ng busina.

Sa pagsalubong sa Bagong Taon, umaasa ang DENR na mahalagang magbago rin ang kul-tura at ugali ng mga Filipino upang maprotektahan ang kalikasan.

Comments are closed.