NANAWAGAN ang Department of Education (DepEd) sa mga pribadong paaralan na ipagpaliban ang pagtataas ng matrikula para sa darating na pasukan.
Ayon sa DepEd, ito ay bilang konsiderasyon sa mga magulang at estudyante na nahaharap sa problemang pinansiyal dulot ng COVID-19 pandemic.
“We recognize the need to ensure the sustainability of private educational institutions so that they may continue to be viable partners in the delivery of quality basic education services in the country,” sabi ng DepEd sa isang statement.
“However, this objective must be balanced with the accessibility of these services to learners, particularly those whose families are experiencing financial difficulties brought by the imposition of necessary COVID-19 management measures,” dagdag ng ahensiya.
Hiniling din ng DepEd sa mga pribadong paaralan na maging transparent sa istruktura ng tuition at miscellaneous fees.
Ayon sa DepEd, may mga alalahanin na ilang eskuwelahan ang hindi consistent sa implementasyon ng distance learning.
“We understand that there are new expenses that come with distance learning, but there are also diminished expenses in light of the major change in learning delivery modality,” anang ahensiya.
Nauna nang sinabi ng DepEd na dapat bigyang katuwiran ng mga pribadong paaralan na humihirit ng tuition hike ang kanilang kahilingan.
Sa datos ng ahensiya, hanggang kahapon ay may 558,705 estudyante pa lamang ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan sa buong bansa. Noong nakaraang taon ay 4.3 milyong estudyante ang nagpatala.
Comments are closed.