(Apela ng DILG, MMDA) PRICE CAP SA BIGAS IPATUPAD

PINULONG ng Department of the Interior of Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga market administrator para sa pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr, pinakiusapan nila ang mga market master na tulungan sila sa pagpapatupad ng Executive Order 39 o ang pagpapataw ng price ceiling sa bigas na inilabas ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.

Ito ay sa pamamagitan ng information drive na isasagawa sa mga pampubliko at pribadong pamilihan sa Metro Manila.

Ang DILG at MMDA ay tutulong sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa mahigpit na pagpapatupad ng kautusan ng Pangulo.

Alinsunod sa mandated price ceiling, magiging P 41 ang kada kilo ng regular milled rice habang P45 bawat kilo naman ang well-milled rice sa buong bansa.

Kasama din ng DILG ang MMDA sa pagmonitor at pag-imbestiga sa abnormal na pagtaas ng presyo ng bigas at pagbibigay tulong sa mga apektadong retailer.

Sa ginanap na pulong, kasama rin dumalo ang ilang Metro Mayors , ilang kinatawan ng LGUs, PNP at government agencies.
EVELYN GARCIA