(Apela ng DSWD) STREET KIDS HUWAG LIMUSAN

namamalimos

MULING umapela  sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag limusan ang mga batang lansangan  at mga dumarayong katutubo.

Nilinaw ng DSWD na sa halip na magbigay ng limos ngayong Kapaskuhan ay  mas mabuti kung mag-organisa na lamang ng  gift-gi­ving at caroling activities, feeding sessions, story-telling at medical missions.

Sa pamamagitan nito ay mailalayo  ang mga namamalimos sa  panga­nib sa lansangan.

Pinalakas pa ngayon ng ahensiya ang Comprehensive Program for Street Children, Street Families at Indigenous Peoples para mabigyan ng tulong ang pamilya ng mga batang nakatira sa lansangan o  ang mga street dwellers.

NENET V

Comments are closed.