(Apela ng DTI sa retailers) NOCHE BUENA PRICE GUIDE SUNDIN

NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na sumunod sa price guide sa Noche Buena products makaraang makatanggap ito ng mga report na mas mataas ang kanilang presyo kaysa sa itinakda ng mga manufacturer.

Nakipagpulong si DTI Secretary Alfredo Pascual sa mga manufacturer noong Disyembre 11 kasunod ng mga report na ang presyo ng queso de bola, fruit cocktail, ham, all-purpose cream, at mayonnaise ay ibinebenta na mas mataas sa nakasaad na presyo sa Noche Buena Price Guide na inilabas ng ahensiya noong Nobyembre 22.

“As part of our commitment to ensure that Noche Buena items remain affordable and of good quality this holiday season, we are intensifying our price monitoring efforts all over the country. Through this meeting with manufacturers, we aim to assure consumers that the DTI remains at the forefront of ensuring that the rights of consumers are protected,” pahayag ni Pascual sa isang statement noong Martes.

Nauna rito ay ipinaliwanag niya na ang presyo ng mga produkto na nakasaad sa Noche Buena Price Guide ay suggested retail prices ng mga manufacturer para sa kanilang mga  produkto.

“The way this will operate, if there are retailers that are selling higher than what the manufacturers have specified, and our monitors are able to detect this deviation, we will call the attention of the manufacturers so the manufacturers will help to take care dealing with the retailer selling their products higher than their suggested retail price,” ani Pascual.

“That is what the price guide is for – that consumers will be informed so they may exercise their right to choose.”

Sa naturang pagpupulong ay tiniyak sa kanya ng mga manufacturer na beberipikahin nila ang mga report ng mas mataas sa itinakdang retail prices para sa Noche Buena products sa kanilang  partner retailers, at paiigtingin ang kanilang sariling price at supply monitoring efforts upang masiguro na ang kanilang mga produkto ay sumusunod sa itinakdang price guides.

Tiniyak din ng mga  manufacturer na sapat ang suplay ng Noche Buena goods hanggang sa pagtatapos ng holiday season.