HUMILING ang mga magsasaka at vegetable traders mula sa Benguet sa mga opisyal ng Baguio City na bigyan sila ng espasyo sa Session Road para makapagbenta sila ng kanilang mga produktong gulay na patuloy ang pagbagsak dahil sa kakulangan ng demand.
Sa isang liham kay Baguio Mayor Benjamin Magalong at City Council, umapela ang League of Association at La Trinidad Vegetable Trading Area Inc. na mabigyan sila ng “positive gesture” na mapagbigyan ang kanilang hiling.
“We are aware that the closure of Session Road for pedestrianization ended last December 2019, may we again knock on you and your officialdom’s generosity and allow us to sell highland vegetables for the four (4) Sundays of this month of January 2020,” pahayag ng grupo sa kanilang liham.
Ito ay pinirmahan ng presidente ng asosasyon na si Nora Ganase at Hi-Land Farmers Multi-purpose Cooperative manager Agot Balanoy.
Umaasa sina Ganase at Balanoy na sa pagbebenta nila ng kanilang gulay sa Session Road, ito ay “makatutulong na magkaroon ng mas maraming demand para sa gulay.”
Sinabi ng dalawang miyembro ng liga na ang wholesale rates ng gulay ay mababa at mas mababa pa kaysa sa production cost.
Ginawa nilang ehemplo ang presyo ng repolyo at wombok (Chinese cabbage) na bumaba na sa PHP3 bawat kilo, carrots bumaba sa PHP8 bawat kilo, broccoli sa PHP10 bawat kilo at chicharo (garden pea) na bumaba sa PHP25 bawat kilo.
Ang halaga ng carrots sa Divisoria ay PHP40-PHP55 bawat kilo, habang ang cabbage ay nagkakahalaga ng PHP25 bawat kilo, at chicharo ay nasa PHP100 hanggang PHP150 bawat kilo.
“Some farmers won’t harvest anymore due to the high cost of transportation and just leave their vegetables to rot in the farm,” sabi ng grupo.
Pahayag ni Balanoy kamakailan, ang Tinoc, Ifugao cabbage growers, na walang sasakyan, halimbawa, ay magbabayad ng PHP3.50 bawat kilo para maibiyahe ang kanilang mga gulay sa La Trinidad kung saan ito ay papalo lamang sa PHP3 bawat kilo para maibenta.
Aniya, na ang presyo ay hindi pa kasama ang bayad sa porters na nagkakarga ng kanilang basket ng gulay mula sa mga taniman hanggang sa pinakamalapit na kalye.
“Just imagine if your garden is far from the road, so you have to hire porters to bring your produce to the road. That is another cost for the poor farmer,” pahayag niya.
Mababa ang presyo dahil sa sobrang produksiyon at mababang demand ng gulay dala ng huling pagtatanim na resulta ng pag-ulan.
Dapat ay naani na ang mga gulay noong Disyembre na mas mataas ang demand ng gulay dahil sa holiday season, kaya lamang, na-delay ang pag-aani ng isang buwan kung kailan mababa na ang demand.
“It was because of the typhoon (Onyok) which hit our country in September damaging the planted vegetables, so planting was done in October only,” sabi ni Balanoy.
“Although we expected that there will be problems like overproduction and low demand. The farmers were then ready to profit-less or even not at all…I really do hope that the city will allow us to use Session Road,” dagdag pa niya.
Noong nagdaang Agosto, pinayagan ng siyudad ang paggamit ng main road para sa pagbebenta ng prutas mula sa Davao, dala ng hiling ni Agriculture Secretary Manny Piñol, na na-appoint bilang chairperson ng Mindanao Development Authority.
Dahil sa pagtatapos ng eksperimento para sa pedestrianization Session Road noong Disyembre 31, hindi pa makapagdesisyon ang City Council kung papayagan ang hiling para sa extension.
Ang Hi-Land Farmers MPC ay may mahigit na 4,000 farmer-members mula Benguet at sa Tinoc, Ifugao at Bauko, Mountain Province.
Pero ito ay bahagyang bahagi lamang ng 130,000 magsasaka sa Benguet, dagdag ni Balanoy. PNA
Comments are closed.