(Apela ng MIAA bago sumakay sa kanilang flight) MGA PASAHERO MAGDALA NG RT-PCR RESULT

UMAAPELA si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa lahat ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging responsable, at sundin ang health protocol bago magtungo sa airport.

Ayon kay Monreal, kaikangang muna ang negative result sa kanilang mga RT-PCR test bago tumuloy sa kanilang mga flight upang makaiwas sa aberya, at abala.

Mula Enero 1-15, 2022 ay umaabot na sa 68 pasahero ang naharang ng MIAA sa may departure area at hindi pinayagang sumakay sa kanilang mga flight dahil walang mga dalang negative RT-PCR test results.

Dagdag pa ni Monreal na noong 2021 at nasa 576 ang bilang ng mga pasahero ang naharang ng mga tauhan sa airport at airline authorities at hindi pinayagang makasakay sa kanilang mga flight, dahil sa positive RT-PCR test results.

Kung kayat umaapela ito na sundin ang No Vaccination, No Ride Policy na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino, habang patuloy na tumataas ang impeksiyon sa bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin si Monreal sa Civil Aeronautics Board na ipag-utos sa mga airline na ipatupad ang naturang kautusan ng IATF, para sa kapakanan ng sambayanan. Froilan Morallos