(Apela ng transport group sa gobyerno) PONDOHAN ANG PUV

PUV

HUMIRIT sa gobyerno ang transport group  na magkaroon ng sariling pondo ang Public Utility Vehicles (PUVs) para mapabilis ang Public Transportation Modernization Program.

Sinabi ni LTOP National President Orlando Marquez na mahalaga ang Public Modernization Program dahil ang pinag­lilingkuran umano nila ay trabahador na tunay na bumubuhay sa ekonomiya ng Filipinas.

Inihayag ni Marquez na  kung napopondohan at naipasa na batas ang Cash Transfer Program ng gobyerno, bakit tila mailap ang gobyerno para pondohan ang PUV na nagbabayad naman ng napakalaking buwis sa pamahalaan.

Iginiit nito na  gaganda at magagaya ng Filipinas ang Singapore kapag pinondohan ng gobyerno ang PUV dahil sa mga mauunlad na bansa ay mayroon silang tinatawag na Public Transport Consumers Tax kung saan kukunin ang pondo ng Transport Modernization Program.

 

Comments are closed.