(Apela ni Bishop Bagaforo) DASAL, TULONG  SA MGA EVACUEE SA MINDANAO

Jose Colin Bagaforo

UMAPELA  ang obispo ng Kidapawan ng dasal at tulong para sa mga nagsilikas na residente ng Mindanao, na nabiktima ng serye ng malalakas na lindol sa rehiyon.

Sa ginawang pagbisita ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, sa evacuation centers sa mga bayan ng Makilala, Bulacanon at Malasila, nakita umano niyang tubig at pagkain ang pangunahing kaila­ngan ng mga residente.

Ayon kay Bagaforo, kailangan din ng mga evacuee ng solar powered flashlights dahil walang koryente sa bawat tent o kubo na kanilang pansamantalang tinutuluyan.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pangamba si Bagaforo na magkaroon ng outbreak ng sakit sa evacuation centers.

Sinabi ng Obispo na hindi bababa sa 500 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers matapos masira ng lindol ang kanilang mga tahanan.

“Napakarami lamang sa mga evacuation centers. Sa katunayan, hindi bumababa ‘yung mga government sponsored na recognized evacuation centers ng mga 500 families. Pangalawa, magiging problema ang sanitation kasi kulang ang mga palikuran natin. At ang ikatlo, dapat meron ding identified na mga coocking areas ang mga evacuees,” ayon kay Bagaforo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Nagpapalasamat naman ang Obispo sa mabilis na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga biktima.

Ang pinangangambahan na lamang aniya niya ngayon ay ang kalinisan sa mga evacuation centers ang kalinisan, dahil na rin sa kakulangan ng mga palikuran.

Iminungkahi naman ng Obispo ang pagkakaroon ng hiwalay na lugar para sa pag­luluto para maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng sunog.

“Dahil flammable ang kanilang mga tent at trapal,” dagdag pa ng obispo.

Samantala, umaapela na rin ang Obispo ng tulong sa publiko para makalikom ng pondo para sa isasagawang rehabilitasyon ng mga nasirang bahay.

“Kung maari ay sa pamamagitan ng mga diyosesis natin ay makapagpadala tayo ng pang-long term… kailangan natin ng pondo para matulungan natin sila na ma-relocate,” panawagan pa ng obispo. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.